" Ito Ang FM Ko "

Heart-FM Mamburao 104.9Mhz

· Location: 2nd Floor Capitol Building : Mamburao, Occidental Mindoro: Philippines

About Me

The 104.9Mhz Mambo-Heart FM was established on August 8,2004 with the joint-effort of 16th Infantry Batallion, 204th Brigade, 2nd Infantry Division of the Philippine Army and the Provincial Government of Occidental Mindoro under the administration of Governor Josephine Ramirez-Sato. It was September 2, 2004 when it was transferred to Capitol Mamburao Occidental Mindoro from Hilltop Tayamaan Mamburao. It was started with Captain Edgar E. Delos Reyes as the Station Manager and ten(10) military DJs together with one(1) civilian DJ, Menchie Gasang Mendizabal, also known as DJ Danielle. This community based radio station begin with 30 watts. Its format called "INFOTAINMENT" which means information and entertainment based on the culture of the province to connect with the local populace. Today it was upgraded and operating 500 watts reaching out the MAPSA area and on live streaming all over the world.

heartfmmamburao104.9Mhz@Ustream.tv

heartfmmamburao-Chatango Group

Pagpaslang ng NPA Kay Kapitan " CASTIGADOR " Kinondina ......




TACTICAL COMMAND POST, Mamburao, Occidental Mindoro Mariing kinondena ng mamamayan ang karahasan na ginagawa ng rebeldeng grupo ng New People’s Army na kumikilos sa lalawigan sa pamamagitan ng isinagawang “Peace Rally” sa barangay Balansay, bayan ng Mamburao, Kanlurang Mindoro  alas 9:00 ng umaga araw ng Martes Oktubre 5 taong kasalukuyan.

Pastor Joey Piñas
Lightning of Candles

          Ito ay pinangunahan ni Tenyente Koronel Rogelio P. Percol at dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa lalawigan, kasundaluhan at mga mamamayan ng Mamburao. Kabilang sa mga dumalo sina gobernador Josephine “Nene” Ramirez Sato, bise gobernador Mario Gene Mendiola, Bokal Damaso G. Abeleda at Marilou C. Ignacio ng unang distrito, Vice-mayor Angelina T. Tria ng Mamburao, Rev. Father Dick Guillermo, leader ng ibat-ibang sangay ng relehiyon, kapamilya at ilang malalapit na kaibigan ng namayapang dating barangay kapitan Ariel Castigador ng Balansay.


            Matatandaan na si kapitan Castigador ay pinaslang ng walang pakundangan kasapi ng rebeldeng NPA, ito ay naganap sa kanilang bahay sa harap ng kaniyang asawa’t anak na walang malinaw na basehan upang tapusin ang kanyang buhay. Si kapitan Castigador ay buong puso at tapat ang pagsisilbi sa kanyang nasasakupan, mapaglingkuran lamang ang kanyang kabaranggay.



Governor Josephine Y. Ramirez Sato

            Ang “Peace Rally” na may temang “Magsamasama’t magkaisang manalangin para sa hustisya tungo sa katahimikan” ay pinasimulan sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni kapitan Rondel Pedraza ng Balansay, kasunod ang pagbibigay mensahe ng asawa at ilang personalidad na bisita, bilang pagtuligsa sa karahasan ng NPA sa lalawigan. Nagkaroon din ng motorcade sa bayan ng Mamburao upang ipakita sa mga tao at mahikayat ang bawat mamamayan na makiisa at huwag na hayaang maulit pa ang ganitong karahasan sa probinsya ng kanlurang Mindoro.

VIce - Gov Mario " Gene "Mendiola

              Ang ganitong okasyon ay isang pagpapakita ng pagkakaisa sa gitna ng kasundaluhan at mamamayan upang pag ibayuhin at paigtingin ang pag-tutulungan sa pagpapanatili ng katahimikan at kaunlaran sa lalawigan ng Kanlurang Mindoro. Si Gobernadora Sato at Tenyente Kolonel Percol sa kanilang talumpati ay umapela sa publiko na makiisa sa ganitong gawain at tiniyak ang kaligtasan ng bawat mamayan at malayo sa anumang kapahamakan-End

Asawa ng dating kapitan Ariel Castigador



Mga Katutubong Dumalo

HeartsClan








o O o